Legazpi City – Mas pina-igting pa ng Albay Provincial Health Office (APHO) ang kampanya nito laban sa karahasan sa mga kababaihan, at mga batang babae.
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng 29th National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation, at ng isinagawang Orientation on Women and Children Protection, tinalakay ng APHO ang kahalagahan ng kaalaman sa safe, at unsafe touches.
Ayon kay Hazel Jennifer R. Cardano, APHO Coordinator for Violence Against Women and their Children (VAWC) and Gender and Development (GAD), layunin nitong maisulong ang public awareness tungkol sa pagpapahalaga ng sekswalidad, at pagsusulong ng pantay na karapatan para sa mga kababaihan, at kabataan.
“Dito sa activity in relation to the National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation, we will be lecturing about safe and unsafe touches. Through this matutulungan natin yung mga bata on how to give importance to their sexuality, to encourage them na i-report kapat may naranasan silang hindi maganda, dito maisusulong yung karapatan nila,” saad ni Rodriguez.
Binigyang-diin rin ng opisyal na mahalaga ang magiging papel nito sa paglaban sa mga kaso ng sexual exploitation na nararanasan ng mga kababaihan, at mga batang babae.
“Yung lecture will help the teenagers and also the parents kasi magiging guide nila yun to uplift themselves, fight for their rights as they will learn how to distinguish ano yung safe, at unsafe, and eventually it will help prevent cases of sexual exploitation,” dagdag pa nito.
(Source: Albay PIO)
