Iriga: Ako Bicol Tarabangan Caravan, umarangkada muli sa lalawigan ng Albay

0
10

Uso na naman mga Kasurog ang iba’t ibang sakit ngayong tag-ulan, kaya mahalaga sa Ako Bicol PartyList na tiyaking malusog ang bawat Bicolano.

Sa ilalim ng programang “Tabang sa Karahayan,” muling idinala ang Ako Bicol ang Tarabangan Caravan sa Oro Site High School, Barangay Oro Site, Lungsod ng Legazpi nitong Agosto 24, 2023.

Umabot sa 423 na kababayan mula sa mga barangay ng Oro Site, Peñaranda, at Capantawan ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal kasama na rito ang check-up at gamot.

Hindi rin mawawala ang libreng dental services tulad ng paglilinis at bunot ng ngipin. Kasabay ng Mental Health Awareness Month, naglunsad din ng lectures kung paano natin pangangalagaan ang mental health.

Bukod dito, nabigyan din natin ng trabaho ang mga kababayan natin sa pamamagitan ng local recruitment activitiy.

Meron ding libreng masahe at libreng gupit. May handog ding film showing, talent showcasing, at iba pang palaro.

Para kina lolo at lola, may handog din ang Ako Bicol na kitchen tools at house essentials.

Buong pusong nagpapasalamat ang Ako Bicol sa mga mabubuting sponsors na naging katuwang natin sa Tarabangan Caravan: Tanchuling General Hospital; Sunwest Care Foundation; Sunwest Inc.; Guyasteen; Beybko; Freeda; Tai-chi; Evegate Academy; Clean the World; Children International; Bureau of Fire Protection (BFP); Philippine Dental Association (PDA); Bicol University College of Nursing; Gardenia Bakeries Philippines; mga barangay health workers, at volunteers.

(Source: Press Release Ako Bicol Party List)

Leave a Reply