Iriga: 28 anyos na babaeng PWD sa Albay, ginahasa-patay

0
6
(Photo courtesy of RPN Iriga)

Patay ang isang 28-anyos na babaeng Persons with Dissability (PWD) sa Oas, Albay matapos itong gahasain.

Sa impormasyon mula sa Oas Municipal Police Station, huling nakita ng kanyang mga kapamilya ang biktima nitong Hunyo 15, 2024 subalit nakita ulit itong wala nang buhay sa palayan na parte ng nasabing bayan nang sumunod na araw, Hunyo 16.

Wala nang saplot nang madiskubre ang katawan ng biktima. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, tinitingnan nila ang posibilidad na ito ay ginahasa.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Emman Lumapag)

Leave a Reply