General Santos City – Ang dalawang proyektong ito ay ang Grandstand/Stage para sa Freedom Park (Oval Plaza) na may initial budget na 30 million pesos para sa Phase 1 at karagdagang budget na 40 million pesos at ang Sports and Wellness Center na may budget na 30 million pesos na parehong mula sa pondo ng siyudad.
Sa mensahe ni Mayor Pacquiao sinabi niyang karapatan ng mga residente ng General Santos ang mas maayos na pasilidad para sa mga aktibidad na gaganapin sa lungsod.
“Deserve sa katawhan sa General Santos ang maayong Oval Grandstand ug Boxing Gym. Sa tanan nga nagpaluyo ani nga proyekto, daghang salamat. Congratulations sa atong tanan, mao kini ang tinood nga Wow Gensan!” ayon sa alkalde.
Kasama rin sa Groundbreaking Ceremony sina City Director PCOL Jomar Alexis Yap, City Administrator Atty. Franklin Gacal, mga konsehal, mga Department Heads, mga Punong Barangay, at mga kawani mula sa Cebuana Lhuillier. (Rey G. Ombaña, photo courtesy of Denn Jib Seblos)
