Iriga: 246 kaso ng HIV, naitala sa rehiyong Bicol

0
27

Ayon sa datos ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD), nasa 246 na kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang naitala sa Rehiyong Bicol mula Enero hanggang Hunyo ng taong 2023.

Ito ay bahagi ng 2400 na cumulative cases mula taong 1984 hanggang 2023 sa rehiyon, kung saan 2258 na kaso ay lalake at 142 ay babae.

Dagdag pa rito, sinasabing edad 25-34 na mga indibidwal ang may pinakamaraming kaso ng HIV/AIDS.

Ito ang naging ulat ni Mr. Samuel David Banico, National HIV/AIDS and STI Prevention and Control Program Coordinator sa isinagawang kauna-unahang Bicol Regional HIV/AIDS, Sexual and Reproductive Health Summit sa La Roca Veranda Suites noong December 1, 2023.

Dagdag pa rito, nagpaalala si Mr. Banico na sundin ang mga sumusunod na paraan upang maiwasan ang sakit na HIV: Pagiwas sa pakikipagtalik, maging tapat sa kapareha, tama at palagiang paggamit ng condom, hindi paggamit ng ipinagbabawal ng gamot, at maagang pagtukoy ng impeksyon at pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa HIV.

Patuloy naman ang paghikayat ng Kagawaran ng Kalusugan Bicol kasama ang GentleMen Bicol for Sexual and Reproductive Health and Rights, Inc. at iba pang advocates sa publiko na makiisa sa pagpapakalat ng tamang impormasyon tungkol sa HIV/AIDS upang patuloy nang masugpo ang anumang diskrimasyon at stigma na nararanasan ng mga Persons Living with HIV (PLHIV) sa rehiyon.

(Source: DOH Bicol CHD)

 

Leave a Reply