Iriga: 21-anyos na estudyante sa Iriga arestado sa kasong rape

0
4

Arestado ang 22-anyos na estudyante at itinuturing ding ranked 5 most wanted person sa Iriga City dahil sa kasong rape.

Kinilala ang akusado na si alyas Steph, residente ng Brgy. San Isidro Iriga City.

Naaresto ang suspek sa kasong rape sa bisa ng Warrant of Arrest na isinilbi ng Iriga City Police umaga nitong Abril 15, 2024 na walang inirekomendang pyansa ang korte.

Dinala na ang akusado sa Iriga City Police Station para sa karampatang disposisyon. (Emman Lumapag)

Leave a Reply