Iriga: 2 truck driver patay sa pamamaril sa Sipocot, Camarines Sur

0
5

Patay ang isang (ten-wheeler) truck driver matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin, dakong alas-8:46 ng gabi nitong Miyerkules, Enero 11, 2023.

Kinilala ang biktima na si Kervie Amardecer, 40 gaong gulang at residente ng Cagayan de Oro City.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagpapahinga ang biktima sa loob ng ipinaradang truck sa madilim na bahagi ng Maharlika Highway, Sitio Lagatic, Brgy. Taisan, Sipocot, Camarines Sur, dito na ito nilapitan ng suspek at pinagbabaril gamit ang hindi pa malamang kalibre ng baril.

Samantala, nadamay naman ang isa pang truck driver na kinilalang si Saturnino Cruz Jr. , 32 taong gulang at residente ng Brgy. Batong Paluway, San Andres, Catanduanes. Tinamaan ito ng ligaw na bala dahilan para mawalan ito ng kontrol sa minamanehong Izuzu Elf truck bago tuluyang sumalpok sa gilid ng kalsada na sanhi ng kaniyang kamatayan.

Patuloy ngayon na tinutugis ng mga otoridad ang suspek na agad namang tumakas matapos ang krimen. (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

(Source: Bicol News, photo credits to the owner)

Leave a Reply