Iriga: 16 bagyo, posibleng pumasok sa bansa bago matapos ang taon

0
19

Aabot pa sa 16 na mga bagyo ang posibleng pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong taon ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis, batay sa kanilang historical records ay nagsisimula ang peak ng mga bagyo ngayong buwan ng Hulyo hanggang Agosto at Setyembre.

Sa tropical cyclone tracks ng state weather bureau, nasa dalawa hanggang tatlong bagyo pa ang maaaring pumasok sa Agosto, kapwa dalawa hanggang apat sa Setyembre at Oktubre, dalawa o tatlong bagyo sa Nobyembre at isa o dalawa naman sa buwan ng Disyembre.

Hindi rin inaalis ng ahensya ang posibilidad ng pag-landfall ng karamihan sa mga ito lalo na sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre sa may dakong Luzon area.

Sa kasalukuyan, patuloy na nakakaapekto sa bansa ang hanging habagat na nagdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at pulo-pulong pag-ulan sa rehiyong Bicol, at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Leave a Reply