Iriga: 1 rockfall event naitala sa bulkang Mayon

0
14

Nakapagtala ng isang rockfall event sa Bulkan Mayon.

Ayon ito sa 24-oras na monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) kaugnay sa patuloy na aktibidad ng bulkan.

Nasa 759 tonelada ng sulfur dioxide ang naitala habang patuloy ang ground deformation sa nasabing bulkan.

Sa ngayon, nananatiling nakataas sa alert level 1 ang status nito habang mahigpit namang ipinagbabawal sa publiko ang pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone sa nasabing bulkan. (Emman Lumapag)

Leave a Reply