Natanggap na ng Pamahalaang Lokal ng Camalig ang kauna-unahang Seal of Good Local Governance award sa pamumuno ni Mayor Carlos Irwin Baldo.
Bukod sa plaque, tumanggap rin ang naturang bayan ng insentibong na nagkakahalaga na Php 1,153,000.00.
Sa kaniyang Facebook post, nagpahayag ng pasasalamat ang alkalde at inialay ang naturang prestihiyosong parangal sa Panginoon at mga Camaligueรฑo.
Aniya, sa loob ng ilang taon, naging masigasig ang kanilang bayan sa pagtugon sa mga requirements na kinakailangan upang mapabilang at maging isa sa karapat-dapat na mabigyang parangal batay sa ilang components na nakapaloob sa SGLG national validation.
Kasama ni Baldo ang mga opisyal ng Camalig, mga punong-departamento, at mga representate mula sa partner agencies ng naturang bayan.
Isa ang bayan ng Camalig sa tatlong bayan sa lalawigan ng Albay na ginawaran ng most-coveted award sa buong bansa na ipinagkakaloob ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Source: Albay PIO
