Iriga: ₱18,550 Cash Payout Iginawad ng BFAR sa Nabua Fisherfolk sa Pagkolekta ng 371 Kilo ng Janitor Fish

0
1

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) Program, nagkaloob ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 5 ng kabuuang ₱18,550 cash payout sa Nabua Bicol River Farmers and Fisherfolk Association bilang insentibo sa pangongolekta ng 371 kilo ng janitor fish mula sa Bicol River sa Bayan ng Nabua, Camarines Sur.

Sa ilalim ng programa, binibili ng BFAR ang mga nakolektang janitor fish sa halagang ₱50 kada kilo bilang insentibo sa kanilang ambag sa pangangalaga ng yamang-tubig.

Patunay ang programang ito na ang sama-samang pagkilos ng komunidad ay may malaking ambag sa pagpapanumbalik ng sigla ng mga ilog at lawa. Sa pamamagitan ng pagbawas sa populasyon ng mga invasive species, napapangalagaan ang balanse ng ekosistema, napoprotektahan ang mga katutubong isda, at nadaragdagan pa ang kabuhayan ng mga lokal na mangingisda.

Source: BFAR Bicol

Leave a Reply