Iriga: 𝟑𝟕 𝐚𝐟𝐭𝐞𝐫𝐬𝐡𝐨𝐜𝐤𝐬 𝐧𝐚𝐢𝐭𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝟒.𝟕 𝐌𝐚𝐠𝐧𝐢𝐭𝐮𝐝𝐞 𝐧𝐚 𝐥𝐢𝐧𝐝𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐬𝐛𝐚𝐭𝐞

0
1

Umabot na sa 37 na aftershocks ang naitala sa mga bayan ng Baleno, at Monreal kasunod ng 4.7 na mainshock na naganap kahapon sa Masbate.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang naturang mga pagyanig mula alas 11:54 ng umaga kahapon hanggang alas 4:57 AM ngayong araw.

Ayon sa pag-aaral nina Deo Carlo Llamas mula PHIVOLCS, at Mario Aurelio, dalubhasa mula naman sa University of the Philippines Diliman – College of Science – National Institute of Geological Sciences (UPD-CS NIGS), itinuturing na earthquake-prone ang ilang mga lugar sa Masbate dahil sa ito ay malapit sa Philippine Fault System.

Kung maaalala, huling naitala ang magnitude 5.0 na lindol na sa timog-kanluran ng Monreal, Masbate nito lamang ika-27 ng Agosto.

Source: Reports from Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)

 

Leave a Reply