Iriga: ๐‹๐๐€ ๐ŸŽ๐Ÿ”๐š, ๐ก๐š๐›๐š๐ ๐š๐ญ, ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ง๐š๐ ๐๐š๐๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ -๐ฎ๐ฅ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐€๐ฅ๐›๐š๐ฒ

    0
    6

    (Legazpi City, June 7, 2025) Patuloy ang nararanasang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Albay.

    Bunsod ito ng low pressure area (LPA) (06a) na huling namataan sa layong 175 km silangan ng Virac, Catanduanes, gayundin ng habagat na pinapalakas pa ng LPA at patuloy na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng bansa.

    Batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nananatiling nasa katamtaman o “medium” level pa rin ang tyansa na ang LPA 06a ay mabuo bilang ganap na bagyo.

    Ayon kay weather specialist Grace Castaรฑeda, sa pinakahuling pagtataya ng kanilang ahensya, sakaling tuluyang mabuo bilang bagyo ay maaaring hindi ito mag-landfall sa anumang bahagi ng bansa.

    Sa kabila nito, mahigpit pa ring pinag-iingat ang lahat sa banta ng mga pagbaha, at pagguho ng lupa.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply