30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Iran naitala ang pinakamataas na death toll sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw

- Advertisement -

Naitala ng Iran ang pinakamataas na bilang ng nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob lamang ng isang araw.

Kasunod na rin ito nang naitalang  54  na bilang ng mga nasawi  kaya’t pumapalo na sa 237  ang death toll ng Iran dahil sa nasabing virus.

Batay sa pinakahuling report ng Health Ministry nasa mahigit 7,000 kumpirmadong  kaso ng COVID-19 ang naitala sa iran mula sa lahat ng tatlumput isang lalawigan nito.

Mahigpit namang naka monitor ang iranian health authorities sa pagdiriwang ng persian new year sa Marso 20 kung kailan nagba byahe ang mga tao at bumisita sa kani kanilang pamilya.

Subalit ilang lalawigan na ang nagpalabas ng notice of hotel closures at iba pang tourist accommodation para hindi na rin mag biyahe pa ang mga tao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -