Ipinataw na suspensyon kay UP Coach Bo Perasol sa UAAP Season 82, tuloy

0
23

Tuloy ang ipinataw na suspensyon ni UAAP season 82 commissioner Jensen Ilagan kay University of Philippines coach Bo Perasol.

Kaugnay ito ng insidente ng pag-atake ni Perasol sa referee na si Jaime Rivano sa naging laban ng UP kontra Ateneo Blue Eagles noong Setyembre 29.

Ayon kay Ilagan, ibinasura ng UAAP ang apela ni Perasol dahil hindi naman aniya ito kailanman humingi ng paumanhin sa pamunuan ng liga o maging kay Rivano.

Dagdag ni Ilagan, maituturing ding “unjustifiable o hindi makatuwiran ang naging hakbang ni Perasol dahil bilang coach dapat aniya itong maging role model sa kanyang mga manlalaro.

Magugunitang otomatikong na eject sa laro si Perasol noong Setyembre 29 dahil sa kanyang inasal pero dinagdagan pa ito ng 2 laro pang suspensyon dahil sa ginawa nitong patuloy na pag-atake sa referee.