33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Int’l Human Rights Day ginugunita ngayong araw

- Advertisement -

In Photo: Mrs. Eleanor Roosevelt, (United States) holding a Declaration of Human Rights © UN Photo


Ginugunita ngayon sa buong mundo ang International Human Rights Day.

Ito ay taunang pagkilala sa pagpapatibay ng United National General Assembly sa Universal Declaration of Human Rights noong December 10, 1948.

Dito sa Pilipinas, kabi-kabilang kilos protesta laban sa mga di umano’y paglabag sa karapatang pantao ng Duterte administration ang sentro ng selebrasyon ng International Human Rights Day.

Highlight ng selebrasyon ang pagsunog sa mga effigy na may pangalang The Four Faces of Duterte.

Binatikos ng mga makakaliwang grupo at human rights groups ang patuloy na patayan sa giyera kontra droga ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinuwestyon ng grupo ang datos ng Philippine National Police kung saan umaabot lamang sa halos limang libo (5,000) ang napatay sa war on drugs mula nuong 2016 taliwas sa kanilang tala na mahigit sa sampung libo (10,000) na.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -