Insurance benefits para sa mga atleta isinusulong

0
32

Isinusulong ng isang senador ang pagkakaroon ng libreng insurance ng mga propesyonal na Pilipinong manlalaro na lumalaban sa ibang bansa.

Ayon kay Senador Lito Lapid, dapat ay bigyan ng gobyerno ng insurance benefits kung saan nakapaloob ang ilang pangangailangan ng mga atleta.

Dagdag pa nito, nais na ibigay ang nararapat na suporta para sa mga atletang kumakatawan sa bansa.

Magugunitang ang Pilipinas ang may pinakamalaking bilang ng mga atleta sa gagawing Southeast Asian Games.