Insidente ng pamamaril sa isang dating sundalo sa QC iniimbestigahan na ng CHR

0
14

Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang insidente ng pamamaril sa isang dating sundalo sa Quezon City.

Magugunitang nabaril ni Police Master Sergeant Daniel Florendo, Jr. ang retiradong sundalo na si Winston Ragos malapit sa checkpoint sa Barangay Pasong Putik.

Ayon kay Atty. Jacqueline De Guia, tagapagsalita ng CHR, iginigiit na nila sa pagsisimula pa lamang ng enhanced community quarantine (ECQ) na dapat manatili ang respeto sa karapatang pantao.

Nauunawaan aniya nila ang kahalagahan ng mga law enforcement official para protektahan ang bawat mamamayan subalit mayroong itinakdang panuntunan sa pagpapairal ng batas na dapat sundin ng mga otoridad.

Tiwala naman ang CHR na magiging patas ang imbestigasyon ng Quezon City Police District sa nasabing insidente.