Init sa Metro Manila posibleng pumalo sa 38°C

0
47

Posibleng pumalo sa 38 degrees Celsius ang mararamdamang init sa Metro Manila ngayong buwan ng Abril dahil sa nararanasang El Niño phenomenon.

Batay ito sa pagtataya ng PAGASA Climate Impact Monitoring and Prediction Section.

Ayon sa hepe nitong si Ana Liza Solis, aakyat naman sa 39.5 degrees Celsius ang temperatura sa Tuguegarao, Cagayan.

Dahil dito, pinayuhan ang publiko na gumawa ng mga hakbang para makaiwas sa heat stress at tipirin ang paggamit ng tubig.

Naitala ang 42.2 degrees Celsius na siyang pinakamataas na temperatura sa buong bansa sa Tuguegarao City noong May 11, 1969.

—-