30.6 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Inireklamo Ng Isang Locally-Stranded Individual Ang Umano Pambabastos Sa Kanya Ng Isang Konsehal Ng Barangay Magsaysay Sa Kidapawan City

- Advertisement -

Ang Locally-Stranded Individual (LSI) – na hindi na kinilala sa report, ay may travel history sa General Santos at sumailalim sa 14-day quarantine period sa isolation room ng Barangay Magsaysay.

Sa panayam ng RONDA NEWS sa LSI, sinabi nito na hindi raw siya tinitigilan ni Kagawad Caminos sa pagti-text na gusto niya’ng tumabi sa pagtulog sa isolation room.

At dahil sa imbiyerna na siya sa mga text messages ni Caminos, humiling siya sa kapitan ng Barangay Magsaysay na ilipat na lamang siya sa ibang quarantine facility.

Nito pang Biyernes natapos na ng LSI ang 14-day quarantine period nito na itinakda ng City Health Office.
Sa kanyang panig, humingi ng public apology o tawad ang kagawad sa umano ginawa niya sa LSI.

Para kay Kagawad Sardo Caminos, hindi raw pambabastos ang mga text messages niya kundi biru-biro lang na hindi dapat sineryoso ng babae.

Bagama’t aminado si Caminos na dati niya’ng ka- relasyon ang naturang LSI, pero hindi na raw niya ito magagawa sa ngayon dahil siya ay pamilyado na.

 

(Source: Ronda News Cotabato)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -