28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Inihiwalay na bahagi ng Barangay Hillside, Baguio City mula Camp John Hay, ginagawa na

- Advertisement -

Baguio City – Sinumulan na ng Bases Conversion and Development Authority o ang proseso upang ihiwalay ang bahagi ng Barangay Hillside sa lungsod ng Baguio City mula sa hurisdiksyon o sakop sa pamamagitan ng pamamahagi ng residential lots sa karapatdapat nakatira sa naturang lugar. 

Sa isang seremonya na ginanap kamakailan lamang, ibinahagi BCDA President at Chief Executive Officer (CEO) Joshua M. Bingcang at JHMC President at CEO Allan R. Garcia ang certificates of recognition sa 39 karapatdapat na naninirahan sa Barangay Hillside na matagal ng naninirahan simula pa noong 1991.

Ayon kay BCDA president at chief executive officer Bingcang, ito ay paunang hakbang upang ihiwalay ang bahagi ng hillside mula sa Camp John Hay.

Inaasahan nila na ang naturang hakbang ay magbibigay katiyakan sa publiko at maging ng taga Baguio, na ang kanilang pangako na tuparin ang kanilang obligasyon na aayon sa batas o ang Republic Act 7227 o ang batas tungkol sa BCDA.

Sa bahagi ni Ginoong Garcia, ang pangyayaring ito ay magbibigay kahulugan na ang mga naninirahan sa hillside ay ang tunay na may-ari ng loteng kinatitirikan ng kanilang mga bahay.

Noong nakaraang buwan, naghain si Baguio Congressman Marquez Go ng House Bill 9428, na nagnanais na gawin ang Camp John Hay bilang alienable at disposable, at ihiwalay mula sa operasyon ng Republic Act 7227 at Proclamation No. 420 series of 1994.

Ang naturang panukalang batas, na ang bahagi ng dating base military ng Estados Unidos kabilang dito ang 12 barangay sa lungsod ng Baguio ay bukas para pamamahagi sa mga karapatdapat applikante. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Public Information Office)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -