29.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Inflation rate tinayang babalik sa 2% hanggang 4% sa 2019

- Advertisement -

Babalik na sa dalawa hanggang apat na porsyento ang inflation rate pagpasok ng 2019.

Ito ang pagtayang ginawa ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa harap ng patuloy pa ring pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa bansa.

Ayon kay Diokno, makikita na ang epekto sa inflation ng mga hakbang na ginawa ng pamahalaan para masawata ang pagtaas ng bilihin.

Isa aniya rito ang paglagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Administrative Order No. 13 kung saan tinatanggaol ang non tarrif barriers o mas pinabilis at pinadali na ang pag-angkat ng mga produkto.

Ang pang mahabaang solusyon naman aniya sa mataas na inflation ay ang rice tariffication na ipapasa na ng Kongreso sa lalong madaling panahon.

Una rito, batay sa pagtaya ng Bangko Sentral, papalo pa sa 6.8 percent ang inflation rate sa susunod na mga buwan.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -