Inflation ngayong Marso, inaasahang babagal pa — BSP

0
50

Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mas babagal pa ang maitatalang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo para sa buwan ng Marso.

Ayon sa BSP, batay sa pagtaya ng Department of Economic Research, posibleng pumalo lamang sa 3.1 hanggang 3.9 percent ang March inflation.

Matatandaang nasa 3.8 percent ang naitalang inflation nuong Pebrero na itinuturing na pinakamabagal mula nuong March 2018 kung kailan naitala ang 4.3 na inflation rate.