India posibleng naglalatag ng panibagong pag-atake sa Pakistan

0
70

Inakusahan ng Pakistan ang bansang India na umano’y naglalatag ng isang panibagong plano ng pag-atake laban sa kanila ngayong buwan.

Ito, ayon kay Foreign Minister Shah Mehmood Qureshi ay base sa kanilang pinagkakatiwalaang pinagkukunan ng impormasyon.

Malaki aniya ang tiyansa ng umano’y pagsalakay ng puwersa ng India anumang araw sa susunod na linggo.

Samantala, mariin namang pinabulaanan ng External Affairs Ministry Spokesperson ng India na si Raveesh Kumar ang naturang alegasyon laban sa kanila.

Ayon kay Kumar, gimik o gawa-gawa lamang ng Pakistan ang mga pambabatikos upang magsagawa ng pag-aalsa ang mga Pakistan-based terrorist laban sa INDIA.

Malinaw aniya itong pagpapahiwatig na hindi kayang umako ng responsibilidad ang Pakistan sa mga ginawa nilang teroristang pag-atake laban sa India.

Samantala, magugunitang sumiklab ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa nang umatake ang mga militante ng Pakistan na ikinasawi ng dose-dosenang bilang ng sundalo ng India.

—-