Inagurasyon ng BARMM pinangunahan ni Pangulong Duterte

0
47

Pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Hindi itinago ng pangulo ang kanyang kasiyahan dahil natupad nya ang kahit bahagi lamang ng pangarap ng bansa para sa mga Moro sa Mindanao.

Nagpasalamat ang pangulo sa matiyagang paghihintay ng mga Moro na maisabatas ang bagong BARMM at matiyak na legal ang pangako nilang pagbabago sa Mindanao.

“I call upon Bangsamoro to take advantage of this opportunity and finally correct the historical injustice and forget the bitterness of the past so that we may embrace each other as Filipinos.” Pahayag ni Duterte.