Inaakusahang sangkot sa pastillas scheme sa Immigration humarap sa Senado

0
29

Humarap sa hearing ng Senado ang isa sa mga inaakusahang sangkot sa pastillas scheme sa Bureau of Immigration (BI).

Sa ilalim ng pastillas scheme, bawat Chinese national ay nagbabayad umano ng P10,000 upang mabilis na makapasok sa bansa at mabigyan ng VIP treatment.

Mariing itinanggi ni dating Port Operations Division Chief Marc Red Marinias ang akusasyon at hindi anya nya alam ang pastillas scheme noong kapanahunan niya sa Immigration.

Aminado si Marinias na may mga problema sa Immigration bilang isang institusyon subalit hindi kasing laki ng sinasabi ng whistleblower na si Allison Chiong.

Wala rin anya siyang nakitang mali sa laman ng video na kinuha ni Chiong kung saan dinadala sa hiwalay na kwarto ang mga Chinese nationals na pumapasok sa bansa.