Importasyon ng mga pork products mula Germany ipinagbawal narin ng D.A

0
48

Ipinagbabawal na rin ng Department of Agriculture ang pagpasok sa bansa ng karne ng baboy at mga produkto nito mula sa Germany.

Ipinag utos ito ni Agriculture Secretary Manny Piñol matapos matuklasan ng quarantine bureau sa Cebu na may kasamang 250 kilo ng karne mula sa Poland ang shipment ng karne ng baboy na mula sa Germany.

Matatandaan na ang Poland ay isa sa 18 bansa na apektado ng Swine Flu.

Napag-alamang regular na nag iimport ng karne mula sa Poland ang kumpanyang nagpasok ng karne sa Pilipinas.