31.3 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Impeachment complaint vs. SC justices mahalagang marinig kaagad ang mga argumento—Lagman

- Advertisement -

Mahalagang marinig kaagad ang mga argumento sa isinampang impeachment complaint laban sa pitong mahistrado na pumabor sa petisyon para tuluyang mapatalsik si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Binigyang diin ito sa DWIZ ni House Minority Leader Edcel Lagman kaya’t natutuwa sila kaagad na maisasama sa order of business ang nasabing usapin sa pagbabalik ng kanilang sesyon ngayong araw na ito.

Sinabi ni Lagman na nangako si bagong House Justice Committee chair. Doy Leachon na pabibilisin ang proseso sa nasabing impeachment complaint na aniya’y sufficient in form and substance.

“Importanteng marinig na kung ano talaga ang mga nakasaad or allegations duon sa impeachment complaint. Kami naman ay naniniwala it’s sufficient in form and substance at meron probable cause.” Pahayag ni Lagman.

(Ratsada Balita Interview) 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -