30 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Immigration lookout bulletin inilabas ng DOJ laban kay Daraga Mayor Baldo

- Advertisement -

Naglabas ng immigration lookout bulletin order ang Department of Justice laban kay Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay na itinuturong mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Party list Representative Rodel Batocabe.

Kasama rin sa lookout order ang iba pang suspek sa pagpaslang kay Batocabe na sina Henry Yuson, Emmanuel Rosillo, Jaywin Babor, Danilo Muella, Gilbert Concepcion, Agaton Concepcion, Christopher Cabrera Naval at Emmanuel Judavar.

Ang nasabing look out order ay nangangahulugang hindi maaaring makalabas ng bansa ng walang clearance o go signal mula kay Justice Secretary Menardo Guevarra.


Napolcom nagsilbi ng primadong dokumento kay Daraga Mayor Baldo

Isinilbi na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pirmadong dokumento na bumabawi sa otoridad sa lokal na pulisya ni Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay.

Ang revocation ng police deputation ay bitbit ng mga opisyal ng NAPOLCOM sa tanggapan ni Baldo.

Kasunod na rin ito nang pagtukoy ng PNP kay Baldo bilang mastermind sa pagpaslang kay Ako Bicol Party list Representative Rodel Batocabe.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -