35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Imbestigasyon sa P35-M bounty sa Batocabe slay, ‘di paniningil imbes pagtatama ng direksyon ng hustisya -solon

- Advertisement -

LEGAZPI CITY – Posibleng hindi umano ito ang una’t huling pagdinig ng Committee on Public Accounts ng Kamara sa naging paghahati-hati ng P35 million bounty para sa mga testigo sa pamamaslang kay Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor na namumuno sa naturang komite, titingnan sa isasagawang pagdinig kung nagamit ng tama ang reward money.

Hindi aniya magdadalawang-isip ang komite na magrekomendang kasuhan ang mga mapatunayang may kwestiyonableng hakbang sa pamamahagi ng pera.

Giit pa nitong hiwalay na isyu naman ang tatalakayin sa Kamara kaya’t walang magiging direktang epekto sa gumugulong nang kaso.

Bagkus, nais lamang aniya ng mga mambabatas na makita ang tamang direksyon na tinatakbo nito.

Paglilinaw pa ni Defensor na hindi naniningil ng ano pa man kundi hustisya para kay Batocabe ang nilalayon nila.

Ang naturang halaga ay pinagtulungang malikom kung saan P20 million ang mula sa Office of the President, P13 million mula sa Kamara noong 17th Congress, at P2 million mula naman sa probinsya ng Albay.

-M. Barayoga

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -