Imbestigasyon sa mga inilahad ni alyas ‘Bikoy’ nakatakda sa Biyernes

0
57

Nakatakda nang buksan ng Senado ang imbestigasyon sa mga alegasyon ni Peter Joemel Andvincula o mas kilala bilang si alyas “Bikoy”, ngayong darating na Biyernes, Mayo 10.

Ito, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, kung saan magsisimula aniya ang pagdinig dakong alas nuwebe y medya ng umaga sa Biyernes.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Lacson na magpapadala ang komite ng pormal na imbitasyon kay Advincula sa pamamagitan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Sa ngayon, patuloy naman ang isinasagawang background investigation ng mga otoridad kay Advincula, matapos kuwestiyunin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang kredibilidad nito dahil sa mga kasong kinaharap nito sa mga nakalipas na taon.

——