Imbestigasyon sa insidente ng pagnanakaw sa isang paaralan sa Itogon, Benguet ginagawa

0
65

(Baguio City-Itogon, Benguet) Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan mula sa Itogon Municipal Police Station sa nangyaring pagnanakaw sa Luneta Elementary School sa itogon na nangyari lamang noong Mierkoles ng gabi, Marso a 29, 2023.

Ayon kay Police Major Mathew Burgos, ang hepe ng Itogon Municipal Police Station, may suspetsa na sila sa gumawa ng nasabing krimen o person of interest ngunit kasalukuyang pa lang silang nag iimbestiga upang patunayan ito.

Base sa ulat nakalagay sa social media, maliban sa pera, hindi pa alam kung magkano ang halaga ng ninakaw. Ninakaw din ng mga magnanakaw ang isang 15 inches na Acer laptop na kulay “gray” at isa pang 11 inches HP laptop na kulay itim ang kulay nito. Ito ay naibigay sa nasabing paaralan upang gamitin ng mga guro sa kanilang pagtuturo ganon din na ginagamit ng mga magaaral sa kanilang pag- aaral.

Dahil sa nangyari, hinilihing ni Burgos sa mga mamamayan doon at sa karatig lugar na ireport nila kaagad sa kanila kung may nagtitinda ng mga nasabing Laptop upang maimbestigahan. Hiniling din nila na huwag bibilhin kahit na mura ang pagbebente ng mga nagnakaw dahil maari silang kasuhan ng “Anti-Fencing Law”.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credit to PNP Itogon

Leave a Reply