Imbestigasyon sa ‘ghost dialysis scam’ puspusan na

0
45

Mahaba pa ang itatakbo ng proseso sa imbestigasyon ng PhilHealth at NBI kaugnay sa ghost dialysis patient scam.

Ayon ito kay Health secretary Francisco Duque III dahil marami aniyang sangkot sa korupsyon maliban sa WellMed Dialysis and Laboratory Center Corporation.

Ipinabatid ni Duque ang puspusang koordinasyon nila para mapabilis ang imbestigasyon.