Imbestigasyon ng Ombudsman para sa 30th SEA Games tanggap ni Cayetano

0
15

Welcome kay Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano ang ikakasang imbestigasyon ng Ombudsman.

Kaugnay ito ng mga nangyaring aberya sa paghahanda at pagsisimula ng 30th Southeast Asian (SEA) Games kung saan host ang Pilipinas.

Ayon kay Cayetano, isang magandang pagkakataon din aniya ang hakbang ng Ombudsman para matuldukan at mabigyang-liwanag ang aniya’y kumalat na pekeng balita hinggil sa kurapsyon sa paghost ng bansa sa SEA Games.

Pagtitiyak pa ni Cayetano, makikipagtulungan sila sa isasagawang imbestigasyon ng Ombudsman at nakahanda silang magsumit ng audit report para sa full transparency.

Kaugnay nito, umaasa si Cayetano na agarang malulutas nito ang mga kontrobersiyang bumalot sa hosting ng Pilipinas sa SEA Games upang mapagtuunan na at mabigyan ng nararapat na pagpupugay ang mga atletang Pilipino.