Iloilo muling isinailalim sa ECQ — IATF

0
15

Muling binago ng Inter Agency Task Force on the management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang kanilang desisyon hinggil sa quarantine status ng lungsod ng Iloilo.

Ayon kay IATF at Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, ito’y matapos maki-usap sa IATF si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na mapanatili sila sa ECQ.

Una rito, inanunsyo ng IATF noong Martes na mananatili sa ECQ ang Iloilo City pero bigla itong ibinaba sa general community quarantine (GCQ) kinabukasan epektibo sana kahapon, Mayo 1.

Gayunman, muling naki-usap ang Alkalde sa IATF na ibalik sila sa ECQ status sa takot na muling kumalat ang COVID-19 sa kanilang lugar.