Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

0
55

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Carasi sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naitala ang ang lindol sa layong 2 kilometers north east ng Carasi, kaninang alas-4:02 ng madaling araw.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 19 kilometro.

Naitala naman ang Intensity II sa Bacarra, Ilocos Norte at Intensity I naman sa Sinait, Ilocos Sur.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang nasabing lindol.

—-