Radio Philippines Network
National News

Illegal drugs talamak ang bentahan kahit na may COVID-19 pandemic — PDEA

Sumirit pa ang bentahan ng iligal na drogang—ecstacy at marijuana sa ginta ng umiiral na community quarantine sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Wilkins Villanueva, ito’y batay sa kanilang pagmo-monitor sa dami ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Paliwanag ni Villanueva, sa nagpapatuloy na pandemya ay isinarado ang iba’t-ibang mga bar, kaya’t karamihan ay nagsasagawa ng party o social gatherings sa kani-kanilang bahay kung kaya’t mas talamak ang bentahan ng mga iligal na droga.

Nauna nang nasawata ng mga awtoridad mula sa pdea ang higit P8-M halaga ng ecstacy na tinatayang nasa 9,000 mga ecstasy tablets sa lungsod ng Parañaque na sinundan din ng ilan pang operasyon sa karatig na lugar at ibang mga probinsya.

Related posts

Palasyo tiwalang mabibigo ang mga magtatangkang patalsikin si Duterte

Powered by DWIZ

Mga tauhan ng Cavite Maritime Police pinakakasuhan ni Albayalde

Powered by DWIZ

Leyte at CamSur handa na sa Balik Probinsya Program —Spox

Powered by DWIZ