Ilang Senador pinuna ang pagkwesyon ng NBI kay Mayor Sotto

0
14

Pinuna ng ilang mga senador ang ginawang pangungwestyun ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa umano’y paglabag nito sa Bayanihan To Heal As One Act.

Inaabisuhan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang NBI na maging maingat sa interpretasyon ng batas na sya mismo ang pinunong nag-akda.

Aniya, ang batas ay kailanman magiging retroactive sa sinomang aakusahan.

Nagbitaw naman ng katanungan si Senator Kiko Pangilinan kung paano nilabag ni Mayor Vico Sotto ang batas na hindi pa naman ganap na batas nang mag mungkahi ito sa paggamit ng tricycle sa lungsod.

Pinatutsadahan naman ni Senator Risa Hontiveros ang NBI sa pagbunton ng atensyon sa mga itinuturing na “well-performing leaders” kaysa magbigay ng serbisyo sa mga Pilipino na apektado ng krisis dahil sa COVID-19.