Ilang senador ikinatuwa ang desisyon ng DOJ na suspindihin muna ang GCTA

0
37

Ikinatuwa ng ilang senador ang naging desisyon ng Department of Justice (DOJ) na suspindihin muna ang maagang pagpapalaya ng mga bilanggo dahil sa good conduct.

Ito ay matapos na bumuhos ang negatibong reaksiyon sa balitang kasama si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa mga posibleng makalaya dahil sa mabuting pag uugali.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, kapuri-puri ang naging hakbang ng DOJ at maituturing aniyang welcome move ang gagawing pagsusuri sa computation at application ng mga inmate.

Sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III, napapanahon na aniyang suriin at amyendahan ang naturang kontrobersiyal na proseso.