- Advertisement -
Mas pinalawig pa ang deadline ng pagre-renew ng business permit sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, mula sa January 20 na deadline ay mas palalawigin pa ito hanggang January 31.
Aniya, hindi sisingilin ng penalties ang mga magre-renew hanggang katapusan ng buwan ng Enero.
Samantala, bubuksan na hanggang araw ng linggo ang business one-stop shop sa SM City Manila upang makahabol pa ang iba sa naturang deadline.
- Advertisement -