Ilang Pinoy fighters pasok sa ONE Championship rankings

0
25

Pasok ang ilang Filipino mixed martial artists sa listahan ng mga pinagpipilian para sa world rankings ng One Championship.

Kasama sa strawweight mixed martial arts list si Joshua Pacio habang nasa ikatlong puwesto ang isa pang Pinoy na si Rene Catalan at pang-lima naman si Lito Adiwang.

Sa flyweight, nakapasok sina Danny Kingad at Reece McLaren habang nasa bantamweight naman si Kevin Belingon.

Samantala, sa women’s atomweight ng MMM, nasa ikalawang puwesto ang Pinay na si Denice Zamboanga habang pang-lima naman si Gina Iniong.

Ilalabas naman ng ONE Championship ang official athlete rankings kapag natapos na ang pagsusuri na gagawin ng independent panel.