30 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Ilang parte ng Metro Manila makakaranas ng water service interruption — Maynilad

- Advertisement -

Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Maynila, Caloocan, Malabon, at Navotas sa pagitan ng alas kwatro ng hapon bukas hanggang alas singko ng umaga sa Martes.

Batay sa abiso ng Maynilad, ang nasabing water service interruption ay bunsod ng gagawing leak repair sa C3 at Caloocan.

Kabilang sa maapektuhan ng water service interruption ay ang Barangay 123 hanggang 129 sa Tondo Maynila.

Gayundin ang Barangay Bangkulasi, Barangay North Bay Boulevard at Barangay San Rafael sa Navotas.

Habang mawawalan din ng suplay ng tubig sa barangay 12, 14, 20, 28, 31 at 35 sa Caloocan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -