Ilang mining companies na ipinasara noon ni dating DENR Sec. Gina Lopez pinayagang magbalik operasyon na

0
29

Kinumpirma ni DENR Secretary Roy Cimatu na papayagan na nilang magpatuloy ng operasyon ang ilang mining companies na sinuspinde noon ng yumaong dating DENR Secretary Gina Lopez.

Ayon kay Cimatu, ito anya ay mga mining companies na naghain ng motion for reconsideration at nakapagpatupad na ng pagbabago sa kanilang violations.

Sinabi ni Cimatu na sumalang nasa review ng mga technical experts ang mga nasusupindeng mining companies upang tiyakin ang kanilang compliance sa mga panuntunan ng gobyerno sa pagmimina.