31.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Ilang mambabatas nanawagan na isailalim lahat ng may pneumonia sa COVID-19 test

- Advertisement -

Nanawagan si Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at Quezon City Rep. Precious Castelo na isailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ang lahat ng pasyente na mayroong pneumonia.

Ayon sa mga mambabatas, dapat na masailalim sa COVID-19 test ang kapamilya ng mga nasawi dahil sa sakit lalo na kung may pneumonia ang pasyente.

Ito anila ay para lalong mapag-ingat ang mga kaanak na nagkasalamuha ng nasawing pasyente.

Dapat din umano na matutukan ng LGU’s ang kanilang mga residente na may pneumonia, severe cough at lagnat.

Ang mga sintomas umano na ito o existing na kondisyon ng isang residente ay hindi dapat ipagsawalang bahala upang maiwasan ang paglala ng kondisyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -