Wala pa ring pasok sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan ng Cagayan bukas, Setyembre 17, 2018.
Ito’y ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba ay bunsod pa rin ng epektong iniwan sa kanila ng nagdaang Bagyong Ompong.
Samantala, kanselado parin ang klase sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at Benguet sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan.
Patuloy na umantabay hinggil sa kanselasyon ng klase sa iba pang mga bayan o lugar na matinding hinagupit ng Bagyong Ompong.