Ilang lugar sa Metro Manila, Cavite at Laguna mawawalan ng kuryente

0
56

Ilang mga lugar sa Metro Manila ang kasalukuyang nakararanas ng power service interruption lalo na sa mga lugar ng Quezon City, Valenzuela, Bacoor sa Cavite at Calamba sa Laguna.

Batay sa abiso ng Manila Electric Company (Meralco), mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Project 4 sa Quezon City mula alas-11:00 mamayang gabi hanggang alas-4:00 ng umaga bukas, araw ng Martes.

Partikular na apektado rito ang Barangay San Roque sa Cubao at mga Barangay Masagana, Brgy. Tagumpay, Bagumbuhay, Villa Maria Clara, Milagrosa at Marilag sa Project 4.

Sa pagitan ng alas-10:00 kaninang umaga hanggang mamayang alas-3:00 ng hapon naman walang supply ng kuryente ang bahagi ng Barangay Lawang Bato sa Valenzuela City.

Gayundin naman sa Barangay Ulango sa Calamba City sa Laguna subalit tatagal lamang ito hanggang alas-2:00 mamayang hapon.

Alas-11:30 mamayang gabi hanggang alas-4:30 bukas ng madaling araw walang kuryente sa Barangay Niog Uno hanggang Tres, Ligas Dos, Panapaan Four at city proper sa Bacoor.

—-