33.3 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

AWOL na pulis ng NCRPO arestado sa kasong rape

- Advertisement -

Arestado ng mga operatiba ng Regional Special Operations Unit (RSOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang AWOL na pulis na nahaharap sa mga kasong rape at acts of lasciviousness.

Kinilala ni NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar ang naaresto na si Patrolman Johnny Ocampo na natunton sa isang resort sa Barangay Nazareth, bayan ng Gen. Tinio, lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Eleazar, mayroong outstanding warrant of arrest laban kay Ocampo na ipinalabas ni Caloocan City Family Regional Trial Court Branch 124 Presiding Judge Victoria Isabel Paredes.

Sinasabing nag-ugat ang kaso laban kay Ocampo nang ireklamo siya ng dalawa niyang anak-anakan dahil sa panggagahasa at pangmomolestiya noong sila’y nasa edad kinse at katorse.

Batay sa tala ng NCRPO, dating naka-assign sa Regional Intelligence Division si Ocampo sa Region 4-B MIMAROPA at nasa AWOL o absent without official leave itong mula pa noong 2006.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -