Ilang lugar makakaranas ng isang linggong water interruption — Maynilad

0
53

Makakaranas ng isang linggo ng mahina hanggang sa walang suplay ng tubig ang ilang lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Bacoor sa Cavite.

Batay sa abiso ng Maynilad, mararanasan ang water interruption, mamayang ala 6:00 ng gabi simula ngayong araw hanggang Hunyo 9.

Sa Las Piñas City, apektado ang mga residente ng Barangay Almanza Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Pilar, Pulang Lupa Dos, Talon Uno hanggang Talong Singko.

Sa Bacoor naman ay apektado ang Molino 2,3, at 7, Queensrow Central, East at West at San Nicolas 3.

Gayundin ang mga Barangay Alabang at Ayala Alabang ng Muntinlupa at Barangay BF Homes sa Parañaque.

Ang water interruption umano ay bunsod ng pagdami ng lumot sa Laguna Lake na isa sa pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig ng Maynilad.