Wednesday, May 8, 2024

Ilang laboratoryo ‘di pinipigilang maglabas ng COVID-19 test results —DOH

- Advertisement -

Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang ulat na pinipigilan ng kagawaran ang ilang mga laboratoryo sa paglalabas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test results.

Kaugnay ito ng naging pahayag ni Philippine Red Cross (PRC) Chief Sen. Richard Gordon na hindi ipinabatid sa higit 5,000 indibiwal na nagpositibo sa COVID-19 ang resulta ng pagsusuring isinagawa ng PRC dahil sa ilang protocols kung saan kinakailangan pa itong may pahintulot ng DOH.

Batay sa inilabas na pahayag ng DOH, binigyang diin ng kagawaran na hindi nila pinagbabawalan ang mga laboratoryo na ilabas at ipagbigay alam sa mga pasyente ang resulta ng kanilang pagsusuri.

Binigyang diin pa ng DOH na walang katotohanan na kailangan munang hingin ang pahintulot ng kagawaran bago mailabas ang COVID-19 test results ng isang pasyente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img