35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Ilang labor group hinamon si Roque kaugnay sa inflation rate

- Advertisement -

Hinamon ng ilang labor group si Presidential Spokesperson Harry Roque na mag-ikot sa palengke upang makita ang tunay na epekto ng patuloy na pagpalo ng inflation rate.

Kasunod ito ng pahayag ni Roque na walang dapat na ipag-alala ang publiko kahit pa umabot sa 6.4 percent ang inflation rate nitong Agosto.

Ayon sa grupong Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa Secretary General Josua Mata, tinawag na insensitibo ng naging pahayag ni Roque.

Aniya, karamihan ng mga Pilipino ay apektado na ng mataas na bilihin, may trabaho man o wala.

Sinabi naman ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, nagdudulot na ng depresyon at labis na pagkabahala ang nararanasang matinding kahirapan sa ngayon.

Para naman kay Nagkaisa Labor Coalition Spokesperson Rene Magtubo, tila sa ibang planeta nakatira si Roque dahil hindi niya alintana ang hirap gayong maraming Pilipino na ang umaaray sa sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -